Wednesday, May 30, 2012

Nagpapatuloy at Buhay ang “KKK” sa Bataan!

Kapisan ng mga Kalalakihang Kristiano sa Bataan

Si Andres Bonifacio ay miyembro din ng La Liga Filipina, ngunit unti-unting nawala ang kanyang tiwala sa pagpapanumbalik ng pagbabago sa pamamagitan ng tahimik na paraan. Lalo pang umalab ang damdaming ito ng kumalat ang balita na si Dr. Jose Rizal ay pinatapon sa Dapitan. Umalab ang katiyakan ni Bonifacio na ang tanging  paraan upang maibalik ang kasarilan ng ating bansang Pilipinas ay sa pamamagitan ng isang rebolusyon!
Itinatag ni Bonifacio ang “Katastaasang Kagalanggalangang Katipuanan ng mga Anak ng Bayan” (KKK) noong July 7, 1892 sa isang bahay sa Azcarraga street na ngayon Claro M. Recto, sa Tondo Manila. (philippineshistory.org)

Puno ng makukulay na kasaysayan ang Katipunan. Bilang simbolo ng katapatan ang amga miyembro nito ay sumasailalim sa “sandugan” o blood compact, at ginagamit ang sariling dugo sa pagpirma ng kaniyang sariling pangalan.
Bawat miyembro ay nanghihikayat ng iba pang kaanib sa pamamagitan ng “triangle system”. Ang isang miyembro ay manghihikayat ng prospektibong kaanib at gayun din ang gagamitiing paraan ng bawat pababa. Nagkukuntribyuson ang bawat isang miyembro ng isang “real” o 25 centavos bawat buwan bilang pundo ng kanilang samahan. (philippineshistory.org)

Sa mga nakalipas na taon sinubukan ng mga kalalakihan ng Churches of Christ sa Bataan ang magsama-sama at magpalakasan sa aspeto ng pananampalataya sa Panginoon sa pamamagitan ng “Gideon’s Fellowship”. Ngunit tulad ng liga na pinasimulan sa kasaysayan ng Pilipinas hindi rin ito naging matagumpay kaagad bagamat ang ilang samahan sa ibang panig ay may magaganda din nabang balita ng tagumpay.


Ngunit noong December 2011, may kung anong mala-Bonifaciong inspirasyon ang umiral at muling bumangon ang samahan ng kalalakihan ito ang KKK Bataan o Kapisanan ng mga Kalalakihang Kristiayon sa Bataan. Layunin nitong:


Death March
  • PALAKASIN ang relasyong pangkapatiran sa hanay ng mga Kalalakihang Kristianong sa lalawigan ng Bataan sa pamamagitan ng mga Fellowship ay iba pang gawaing katulad nito.
  • IHANDA ang mga kakakihan sa pangunguna (Leadership) sa gawaing ispiritwal (Discipleship) sa loob at labas ng Iglesia ng Panginoon. 

Umaasa sila na makakamit ang vision na magkaroon ng mga:
  • Kalalakihang may kasanayan at may matibay na paninindigan sa pananampalataya at gawaing kabanalan ng Iglesia ng Panginoong Hesus
Ang Mga Pangunahing Katipunero!
  • President: Bro. Maning P. Vista
  • Vice-Pres:  Ruding Cervantes
  • Secretary: Bro. Stephenson Dial
  • Treasurers: Bro. Nonong Ciaco
  • Auditor:  Bro. Rodel Mahinay
  • Coordinator (Lower): Bro. Pol Gavelino
  • Coordinator (Upper): Bro. Leo Valencia
KKKB President: Bro. Maning P. Vista giving an encouragement talk.
Sa loob ng nakalipas na limang buwan sa ilalim ng bagong pangalan ng samahan (KKK Bataan) unti-unting bumabalik ang sigla ng mga miyembro mula sa bawat local. Buwan-buwan ay nagdaraos sila ng fellowship upang magpalakasan at lalong makakakilanlan ang mga kalalakihang kristiayano sa kalakhang Bataan. Ang bawat buwan sa taong 2012 na idaraos ang monthly fellowship ay nakatoka na sa mga 12 na local churches, sila ang magiging punong abala sa paghahanada ng simpleng programa para sa samahan. Matatampok dito ang mga talento at kahusayan ng local church at pagkakataon ito upang makabisita ang iba pang local churches sa punong abala ng gawain.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagdaos ng isang summer activity ang KKK sa Bataan noong May 26, 2012, Sabado. Inihandog nito sa kanyang mga miyembrong leader mula bawat local church ang Seminar-Workshop on Leadership & Team Building ng Daluyang Sining isa sa kanyang tampok na E (empowerment) Programs mula sa ArtisTREE Philippines isang ministeryo sa pamumuno ni Bro. John Jurado. Ginanap ang seminar-workshop ng buong araw sa Alas-asin Church of Christ at dinaluhan ng mahigit 30 na katao.

Layunin ng seminar-workshop i-level-up ang leadership at palakasin ng samahan ng kalalakihan. Gayundin nais ng seminar-workshop na marecharge ang mga kalalakihan sa kanilang spiritual foundation, ihanda sa pamumuno kanya-kanya local na samahang pangkalalakihan at makatulong kung papaano mareresolva ang mga problema na kinakaharap bilang mabuting katiwala ng talent, oras at kayaman na pinagkakaloob ng Dios.


Pinaunlakan nina Bro. Leo fortes mula sa Mariveles COC, Bro. Larry Gloria mula sa Alas-asin COC at Bro. Ricky Fabillan mula sa Porto COC ang maging lecturer sa seminar. Tinalakay ni Bro. Leo ang “Spiritual Growth”, “Organizational Planning” naman ang kay Bro. Larry at “Stewardship” naman ang itinuro ni Bro. Ricky. Tampok naman bilang program anchor at facilitator si Bro. John Jurado na siyang nagpoproseso at nag-uudyok ng mga usapin para lubos na maunawaan at tumimo sa puso at isipan ng mga participants ang mensahe ng mga lectures. Hindi rin malilimutan ang mga creative activities at action songs na ibinahagi ni Bro. John bilang reinforcement sa mga topics.


Si Bro. John Jurado ay nagtapos sa Manila Bible Seminary sa kursong BS Literature major in Doctrine. Simula pa noong bata siya pagtatanghal na ang hilig at ginagigiliwan niya kaya kumuha rin siya ng units sa Theater art sa UP Diliman. Nais niyang makabahagi sa malikhain at buong pagpapalago sa Katawan ni Kristo at sa mga Chruches of Christ sa Plipinas sa pamamagitan ng E-Programs ng Daluyang Sining.
Ang Seminar-Workshop on Leadership & Team Building  ay isa lamang sa program ng  Daluyang Sining 

E-programs bilang pagdiriwang ng kanyang 9th Empowering Season. Nais ng Daluyang Sining na maghandong ng ibat-ibang malikhaing programa at serbisyo na makatutulong na lubos na lumago at magbago ang bawat indibidwal, ministries, churches parang maging epektibong “asin at ilaw” sa kanilang kumunidad at lipunang ginagalawan gamit ang  Artists, Trainings, Resources, Events at Empowerment programs ng ArtisTREE Philippines.  


 Ang ArtisTREE Philippines naman ay isang Christian Theater and Arts Company and Multi-Media Ministry. Itinatag ito upang lubos na magamit ang kakayanan ng teatro at sining bilang vehicle sa pagpapalaganap at magpapamalas ng makakristianong pagpapahalaga tungo sa pag-unlad at pagbabago ng ating bansa. Nais ng ArtisTREE Philippines na magkaroon ng lubos na mahuhusay na mamayan, kumunidad, lipunan at bayang Pilipinas. 

Ang ArtisTREE ay ministeryo na mayroong  A.T.R.E.E. - Artists, Trainings, Resources, Events and Empowerment. Katuwang na nais makita na bawat artist sa church ay hindi lamang nagtatanghal bagkus ay naglilingkod din sa mga tao, magiliw, mahusay, malikhain at epektibong daluyan ng paglilingkod at pagkalinga sa bayan. Mga artista na kilala ang Manlilikhang Dios, lumalago sa Sining ng Manlilikha, naglilingkod sa Maestro ng Sining at ibinabahagi ang Sining ng Maestro. Nais ng ArtisTREE na malaman ng lahat na mayroon itong: mga Artists na handnag maglingkod, trainings na huhunog sa mga tao, mga kagamitan na sadyang makakatulong sa ministeryo, pusong nagnanais manghikayat para sa Panginoon at maraming gawain upang magbigay lakas.


Sa dakong huli ng seminar-workshop ay nagperform ang mga kalalakihan ng kanilang mg group works at napamalas ang kanilang natatagong mga talento. Kasunod nito ang pagbibigay ng certificate of appreaciations sa mga lecturer at certificate of participation sa mga dumalo. Nagkaroon din ng “open mic” na tinatawag upang boluntaryong magbagi ang ilan ng kanilang evaluation, impressions, insights at mensahe sa lahat patungkol sa seminar-workshop. Nag-uumapaw ang kagalakan ng mga kalalakihan at hindi malaman kung saan pa ilalagay ang katuwaan sa karanasang hindi malilimutan. Tumatak ang mga salitang ito mula kay Bro. Pablo ng Sisiman Church of Christ; 
“Para akong bumalik sa pagkabata, nasabi kong bata dahil ang mga bata ay dalisay, nagpapasakop, mahal ng Dios at madaling magpatawad. Hinamon ako ng seminar-workshop na ito na magpatawad at i-level-up ko ang aking misteryo para sa Panginoon.”

“Kilala nyo akong lahat, hindi nyo ako mapapaattend sa mga gawain ganito dahil ako ay ang number one na pasaway sa church dito sa Alas-asin, ngunit hindi ko maintindihan kung bakit tanging si Bro. John lamang at ang seminar na ito ang nakagawang pasunurin ako at natapos ko ang nakakatuwang gawain na ito”

dagdag naman ng tatay ni Bro. Roldan Alas-asin Church of Christ.

Malaki ang hamon sa mga kalalakihang dumalo sa seminar-workshop. Pagkatapos na marecharge at matuto kailangan maiapply at maibahagi nila ang pagpapalang natamo pag-uwi sa kanilang local church tulad ng theme song ng gawain na “Onward Christian Soldier” sila ay parang Kristianong Kawal na humahayo sa laban, Krus ni Hesus ang ating sinusundan, Siya rin ang nangunguna at umaalalay sa kahirapan... Gaano man kahirap ang laban magpapatuloy ang bawat kristianong kawal upang ipagtanggol at pananampalataya at ingatan ang katawan ni Kristo. 


Sa pamumuno nina Bonifacio at Jacinto ay pinangunahan ng Katipunan ang pakikipaglaban sa mga Espanyol sa San Juan del Monte (malapit sa Marikina) noong 30 Agosto, 1896. Kaugnay nito ay idineklara ni Gobernador Heneral Ramon Blanco na mapanganib at magulo ang Maynila, kasama ang mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, Cavite, Batangas, Bataan at Zambales. Kinabukasan ay isang pag-aalsa naman ang isinagawa ni Sancho Valenzuela sa Sta. Mesa at kumalat ito sa mga karatig bayan – sa Pandacan, Pasig, Pateros, Taguig, San Pedro, Makati, Kalookan, Balik-Balik, San Juan del Monte sa Maynila, San Francisco de Malabon, Kawit, at Noveleta sa Cavite. Upang maiwasan ang patuloy na paglawak ng pag-aaklas, mahigpit na binantayan ng mga guwardiya sibil ang mga lagusan ng mga nabanggit na lalawigan. (wikifilipino)
Nagtagumpay si Banifacio sa kanyang pamamaraan at malaki ng nagawa ng KKK upang sugpuin ang patuloy na pagmamalabis at di makataong pamumuno ng mga Espanyol sa Pilipinas tungo sa pagkakamit ng kasarinlan ng bansa.

Kung paanong ang mga Katipunero ay nakipaglaban para sa ating kasarilan, gayun din ang KKK sa Bataan ay patuloy na lalaban upang palayain ang mga tao sa ispiritwal at pisikal na pagkakaalipin nito. Tunay nagpapatuloy at buhay ang “KKK sa Bataan” ngayon. Mabuhay ang Kapisanan ng mga Kalalakihang Kristiyano sa Bataan!


___________________________
Maaari kayong makipag-ugnayan at imbitahan ang KKK sa Bataan 
para sa join fellowship o anu pa mang layunin
sa pamamagitan ng mga numerong ito:

(0946) 951 6496 (Bro. Maning)
(0918) 294 4809 (Bro. Stephenson)
____________________________
Other E-PROGRAMS Seminars & Workshops
Bring and Integrate on your calendar of Activities:




Contact Bro. John Jurado 
(0908) 2003020 or (0927) 2328812

2 comments:

  1. Praise God for the talents He has given you Bro. John...so as the very inspiring article you have created for KKK ng Bataaan. To God be the glory.
    Bro. Alvin C.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for your time Bro. Alvin C. may you always shine wherever you are.

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...